Bakit Hindi Ka Pa Rin Nakakakuha ng Clients? Baka LinkedIn Profile Mo Ang Problema
Let's have a real conversation for a moment. Kung aspiring Virtual Assistant ka, freelancer, o kakasimula mo pa lang sa work-from-home journey mo, malaki ang chance na naranasan mo na ito. Nagising kang motivated. Naghanap ka ng job posts. Nag-customize ka ng cover letter. Nag-send ka ng applications. Isa. Sampu. Dalawampu. Minsan nga mahigit isang daan pa. Tapos ang ending? Walang reply. Walang interview. Walang client. Nakaka-frustrate, diba? Mapapaisip ka na lang kung kulang ba ang skills mo o may mali ba sa ginagawa mo. Pero alam mo ba? Minsan hindi skills ang problema. Minsan hindi rin experience. At lalong hindi dahil wala kang potential. Minsan, hindi mo lang naipapakita nang maayos ang value mo. At isa sa pinakamalaking dahilan niyan ay ang pagkakaroon ng hindi optimized na LinkedIn profile. "May LinkedIn Ako, Pero Hindi Ko Naman Ginagamit" Ito ang isa sa mga pinakakaraniwang naririnig ko mula sa aspiring VAs at freelancers. "Mommy Loi, may Linked...




